September 04, 2008


Lubid at Lupa


Hihiramin ba ang lumbay ng umaga
kung sa krimen ng kahapon ay wala ka
Kahapong sinlapit ng nakalimot na gabi
sa isang bulag na pagkakasala


Ang hakbang ba’y pabalik sa kalawakang bubog na may dantay ng lason
Lasong taksil sa pawis at luha
Aalayan ba ng rosal ang libingan ng mga buhay na bihag
Bihag at alipin na di na ma-amoy ang hiwaga ng pulang rehas


Mananatili bang itim ang belong burada ng ala-ala
Itim pa ba ang tema ng iyong dalangin
Sira na ang biyulin at pigtas na ang lubid ng duyan
Ngunit tila ang duyan parin ang kanlungan ng iyong tulirong damdamin


Anong kasabay ng iyong paos na himig
Himig ng iyong hikbing hanap ang mga punit na guhit ng byulin
Halika’t baybayin nating ang bangungot: tapang na tapakan ang mga bubog
Tumayo ka’t Ako at ako ay may paroroonan


Pulutin mo ang lubid na hinahagkan na nang giniginaw na lupa
Sa sapang dilaw doon lahat tayo’y magkita-kita
Di ba’t sa kahariang dagat ang hantungan ng bawat butil ng tubig
Libingnang may sumpa’t pangako nang muling pagkabuhay


Na ang tabang na tubig ay lilipas sa alat ng karagatan
Tubig at tubig, tubig din ang kalalagyan
Arok nawa ang pangitaing may bukadkad ng rosal at tiklop ng belo
Ang pagsunog sa lubid at paglimot sa biyulin


Anong lason man ang pumatay sa iyong maikling kasaysayan
Hiramin mo’t angkinin ang lumbay ng umaga


'nuf said, Bryan, 'nuf said

Labels:

posted by Bryan Anthony the First at 9/04/2008 |



13 Comments:

At 11:50 PM, Blogger lucas said........
you used incredibly strong words this time... and it's a little disturbing. is everything alright?
 




At 2:05 AM, Blogger jericho said........
ano naman kaya inspirasyon nito? ;)
 




At 5:51 AM, Blogger Lyka Bergen said........
I cannot understand your French Inday. Anong Meron?
 




At 1:00 PM, Anonymous Anonymous said........
FUCK YOU PETER ! STUPID WHITE!-C.STEWART
 




At 1:04 PM, Anonymous Anonymous said........
I CURSE THE DAY WHEN YOU WERE BORN! BASURA KA PETER !-C.STEWART
 




At 2:01 PM, Blogger Frankie Calcana said........
Ang lalim ha! Nalunod ako sa maalat na karagatan. Anong meron? May problema ka bang sobrang lalim din?
 




At 7:02 PM, Blogger Momel said........
I wouldn't read poetry if my life depended on it. Maybe some, but I wouldn't read poetry if it sounded boiling freaking mad.

Cheers!
 




At 12:29 AM, Blogger lucas said........
thanks for dropping by...

mr. romantic... that was me a long time ago.
 




At 4:32 AM, Blogger [G] said........
i'm lost...i find this poetry disturbing though.
 




At 3:52 PM, Blogger tin-tin said........
tagalog.. galing! basta bilib ako sa tagalog poetry. feeling ko kse ang hirap. hehe ;p
 




At 5:16 PM, Anonymous Anonymous said........
wow, intense. i like it!
 




At 6:30 PM, Blogger Bryan Anthony the First said........
tsalamat sa pagpasyal
 




At 6:30 PM, Blogger Bryan Anthony the First said........
tsalamat sa pagpasyal